ansakit ng ulo ko!
i wanna go home. this day has been a complete waste of time. wala rin si sir gueta. di rin ako nakapag-prerog. oh why oh why oh why? ayoko ng pumasok sa coe131. maghihintay pa tuloy ako. aargh!
ano na ba talaga ang bibilhin kong phone? sobrang okay na nung 3650 sakin eh. laki ng screen, may camera, bad trip nga lang yung keypad. or yung amazing phone na lang kaya? puede kasing mp3 player yun eh, tapos detachable yung camera. ok na rin yung laki nung screen. kaso if ever gawin kong plan yung sa 3650, 1 thou a month for 2 years yon tapos discounted yung phone 3 thou na lang ata. mas mura siya. yung sa amazing phone kasi 1335 a month for 2 years, pero free yung phone. takot nga lang ako sa monthly fee eh. baka sumobra ako hehehe. typical me.
asan na ba si dar? i freaking wanna go home na! feeling ko si bob uy pa talaga ang papasok mamaya eh. tapos ako hindi nako makakapasok kasi ansakit na talaga ng ulo ko. fine, too many yosi, too early in the day. feeling ko nga i reek of yosi smoke na eh. di bale, pinaliguan ko naman sarili ko ng johnson's baby cologne. *evil smile*
i miss darice! wala akong ma-hug! seriously though, feeling ko parang lumalayo na loob ko ke darice. well, we spend too much time together, tapos parang nire-resent ko pa minsan... ang sama ko ba? siguro i just wanna be a normal 23-year-old, yun bang wala masyadong pagkakaabalahang responsibilites. i envy talaga my friends kasi parang sarili lang talaga nila iniisip nila. tas ako, na hindi pa graduate, meron na akong paaaralin. sigh. miss ko na si darice.
asan na ba si dar? di ko man lang mapa-missed call kasi wala nakong load. good thing nagdeposit na si mommy. oh well, dapat iwi-withdraw ko na yung tuition and allowance ko kanina. kaso naisip ko baka magastos lang. di naman sa nagdadamot ako kay dar kaso i have to be practical, baka mautang lang ng mama nya tapos wala nakong pangtuition. naubos nga yung prize money ko sa kakautang ng mama niya eh. not that i resent it, i just don't, um, well, like it. sorry for being a bitch.
tawagan ko na nga si dar sa eprl. baka nakikipagharutan lang yon don habang nagkaka-brain-cancer nako sa sakit ng ulo ko.
No comments
Post a Comment