Quickie

Sheesh, nabasa ko yung previous post ko. Kinilabutan ako. Nagdrama na naman ba ako?

---

Meron na naman ka-text 'tong si Dar na girlaloo ex-classmate. Ah ewan ko ba kung bakit... sobrang gwapo ba talaga ng boyfriend ko?!?! Anyways, sinabihan ko na sya na naasar ako sa ganon. Biro mo, magkuwe-kuwentuhan sa text with that girl, tapos pag ako nagtext sa kanya, suwerte nako kung mag-reply sya. Lech.

Nakita ko kasi yung SENT folder na lang. Aba merong oi, tapos na ba class mo, fishball tayo sa vanguard.

Tinginang-kooking-ina.

Nagkausap na kami, and he cleared things up. I did state clearly na lumayo na sya sa temptation. Kasi kahit na friendly lang talaga si girlaloo eh ma-ego-trip na naman sya at malulong sa bisyo nyang leche.

Nilambing naman ako ng todo-todo kagabi eh. Oks na yon.

---

May bago akong seatmate sa office. Sobrang tangkad - 6'2". At di ko ma-take, ang seryoso. Nagbabasa ng HTML and Java codes using Notepad. Maryosep. And parang di na nya tinanggal yung headphones nya. Fine. Shy naman ako kunyari eh.

---

And eto namang frontmate ni seatmate eh merong ginawang katangahan. We were discussing the newbie kasi using Pop (network messenger). Tapos sabi ko dun sa mga messages ko na di kaya ng powers ko na maging friendly kasi seryoso sya although nung nagkasalubong kami kaninang umaga i smiled at him and he smiled back (grabe kilig hahahah) or something to that effect. We can all conclude naman diba na sarcastic ako dun sa kilig na part. So sabi ni frontmate ni seatmate eh isali namin sya sa pop group ng batch. Sabi ko sya ang magsabi. Aba, ang ginawa ni frontmate ni seatmate eh ni-forward nya yung pop conversation namin sa akin, and kay seatmate (with all my comments about his seriousness and the sarcastic kilig part!)

I almost melted in my seat when I realized kung anong nagawa ni frontmate ni seatmate.

Maryosep.

Pero, mukhang okay lang naman si seatmate kasi nakasabay ko sya for lunch and wala naman syang kyeme at nagulat ako ha at mahirit sya. Before I only knew three things about him... his name, his height and that he's Chinese. Ngayon alam ko na nanonood sya ng MTV Punk'd and Victim Extreme.

---

Haaay. Halo-halong kuwento. Dami pa eh pero next time uli. Have to eat dinner pa.

Toodles ^_^

No comments

Post a Comment