Mahabang Bakasyon

Dati-rati, enjoy na enjoy ako kapag mahaba ang "bakasyon" para sa aming mga empleyado.

Pero ngayon, iniisip ko na sana may pasok na lang bukas.

Sana nga may pasok na bukas. Tapos sana sa Friday may pasok din. Sana tambakan ako ng trabaho para hindi ako makauwi ng maaga.

Sana makalimutan ko yung mga nasabi ko kagabi. Lalo na yung mga narinig ko. Kasi hindi ko na matanggal sa utak ko iyon, paulit-ulit na lang. At habang paulit-ulit yun sa utak ko, unti-unting nadudurog ang puso ko. Wala na, nasaktan na, inaapakan na, winasak na.

Kelangan ko ng mahabang bakasyon. Hindi mula sa trabaho. Pero sa buhay ko. Gusto kong umalis, mawala, magunaw.

---

Paumanhin sa kadramahan. Pagpasensyahan na. Kulang sa tulog. At paalis mamaya papuntang Clark.

Kitakits na lang sa Martes.

No comments

Post a Comment