Yosi: 6
Kape: 1 Latte from Seattle's Best
Magasin: Cosmo Philippines February Issue hehehe
Angas: Asar na asar na asar na asar ako kay DAR!!!!!!!! Pero sa next entry ko na yun ikukuwento.
Kamusta ang job-hunting?
Akala ko down the drain na. Soluziona didn't call me up agad eh. Sabi kasi nila within the week (Monday yung initial interview ko) sila tatawag, so by Friday, na-depress nako. Pero they texted me nung Sunday (within the week pa ba yon?) and they scheduled the Project Interview for Monday ng 3pm.
Oh, and HP called me up rin nung Sunday, telling me na I have an interview ng Wednesday afternoon.
Things are looking up naman. ^_^
Yung sa dBSoft, di na ako tinawagan. Okay lang kasi di ko feel yung 280/day na allowance for the 2-4 months training program. Ang arte ko ba? Parang walang-wala talaga akong maiipon sa lagay na yan eh.
As for P&G, hindi ko pa alam kung pumasa ako sa exam. Dadaanan ko na lang sa Thursday, since I'll be going to UP to get my clearance and apply for my transcript.
Oo nga pala, I have to fax my TCG pa to Canon. Malay mo diba, hindi lang mga laude ang ma-hire hehehe.
So okay ka na sa Soluziona?
Nadali ata ako sa orientation eh. Ang ganda kasi ng position: Junior Consultant. Tas yung flexible benefits plan na yan, na-WOW rin ako.
Okay, mostly programming work for Meralco's distribution system ang gagawin. Mala-Turbo C daw yung programming language (I think they called it Natural), and gagamit din ata ng PowerBuilder.
Ang downside lang is that 12 months kang probie bago ma-regularize. Merong 6 months as project hire, evaluate ka nila, then you move on to another six months of probationary period, then that's when you get regularized. As a project hire, you get the basic salary minus the benefits, then dun sa second 6 months na probie ka, may benefits na.
No problem with the programming stint forever, pero natatakot ako dun sa 12 months na probie ako. Pero matagal naman daw talaga yung project ng Soluziona with Meralco, so no need naman daw talaga na matakot na project-basis yung pag-hire sakin for the first 6 months. Tapos structured na rin daw yung team nila, there's a slim slim slim chance na maging team leader ako (agad). Kasi siyempre, yung project na papasukan ko is yung Meralco project nila, which started way before pa, and matagal pa matatapos, so if ever, I'm stuck with that project lang. (Sabi kasi sa orientation projects range from a few months to a couple of years. So sa "a couple of years" yung sa Meralco ako if ever)
Ito na ba talaga gusto ko? Well, let's see tomorrow after ng HP interview ^_^ Tsaka inaasahan ko pa yung P&G *crossing my fingers*
Diba dumaan ka ng U.P. nung Friday?
Tama. Pinanood ko yung basketball game between Yia Boys and DSP Boys.
Kakaiba when I saw Dar play! Pakshet, nagka-crush na naman ako sa kanya. *blush*
Ma'am Gev took us (Diane, Drei and me) to the game sa Narra Hall. Limang boys lang andun, sina Amiel, William, Bert, Gift and Mark. So siyempre andun si Dae. Hangkulet nina Dae and Ma'am Gev, hirit ng hirit sa mga players. Sabi ni Ma'am Gev while Dar was holding the ball and attempting a shot, "Mahal ka ni Shelley!" *lol* Tas si Dae naman pag hawak ni Mark yung bola, "O, bebe, wag mong papaagaw yung bola" ^_^
Kakamiss ang DSP! Sobra.... Tas we headed back to EEE and had some fish balls and some smokes kami nina Diane and Drei. Tas pag-akyat sa DSP, andun si Archiboy and kuwentuhan ever. Haaay... *sniff*sniff*
Balita ko may kalokohan ka sa Megatren, ah?
Pakshet, oo, nung papunta kami sa fitting ng mga damit namin for Ate Ella's wedding. Eh kasi naman, nabunot ko yung MRT card, hindi yung LRT card. So mejo nagcause lang naman ako ng mini-confusion since I was panicking feeling ko di nako makakalabas, and I was trying to figure out what-the-hell was wrong with the card, till some guy pointed out na MRT card yung hawak ko. Pakshet.
Yan lang kuwento mo?
Yes... toodles for now ^_^
No comments
Post a Comment