Angas: Office Blog ^_^

Ka-haggard-an

Countdown to Darice's Birthday Party: 6 days!


San ba talaga kami bibili ng spaghetti?!! Yoko namang magpaluto kay Ate Ella, eh baka siya naman ang mahaggard non eh katatapos lang ng kasal. Sa Red Ribbon daw yung isang bilao, 300+ bux, for 10-12 pax, ilang bilao bibilhin ko non?? Tas yung chicken pa! Willing naman si Tito Jessie magluto, problema pa kung drumstick ba lahat or mga buong manok na lang bibilhin ko... Mas mahal shemps ang drumstick lahat. Yung cake pa, yung ice-cream, yung drinks, yung barbeque!!! Si Dwin na ba talaga bibili non?!?!

*ngarag*

Yung invitations pa, Saturday yung nalagay ko, instead of Sunday. *twak* Bobo ko talaga! Tatakpan ko pa tuloy yon. Yung paper flower leis, 10 pa lang nagagawa ko, kulang pa ng 10. Wala pa akong paper flower streamers, gagawin ko pa lang! Yung cardboard palm tree pa! Yung mga dried banana or coconut leaves pa, makakakuha ba ako non?!?!

*ngarag*

Shet, umaambon-ambon pa man din! Sana naman di umulan! Baka di magpunta yung mga classmates ni Darice... pano na yan? Pupunta ba sina Chris, ba't di pa sila nag-RSVP?!? Si Kat di pa makakapunta, baka si Tracy mag-back-out din! Naku, baka namang buong twopa ni Dar magpunta, pakshet naman, baka si Synon dumating!

*ngarag*

*faints*

No comments

Post a Comment