Ano Daw?

Ba't ba ayaw mong asikasuhin anak mo? Pahiga-higa ka lang naman dyan?

Watdafuck? Eh ikaw? Diba paupo-upo ka lang naman dyan sa Ragnarok mo? Kaya sinabi kong bababa lang ako kung bababa ka rin is to make you get off your freaking ass, and sabay sabay tayo magdinner! Is it so bad to ask you to stop playing for a little while so we can have dinner as a family?

Sabi ko nga kay E*, mahirap ng makahanap ng nagmamahal sayo. Kaya dapat di na siya makipagbreak sa girlfriend niya. Mahal na mahal nun si E* eh.

Ganun? You're going to stay with somebody because that somebody loves you, even though di mo sya mahal? And so that person won't get hurt? Di ba mas masakit yon na niloloko nya yung babae? Eh di na pala nya mahal eh, pinipilit pa nya sarili na na mahalin yung babae. That is so wrong. Are you just staying with me because I love you?

Tinanong na nga kita kahapon. Ibig sabihin napansin ko na. Diba dapat ma-gets mo na dapat tigilan mo na or hindi mo araw-arawin pagyo-yosi mo?

Nope di ko gets. Katulad ng di mo pagka-gets na asar na asar na asar na ako sa paglalaro mo. Katulad ng di mo pagka-gets na ang pakikipag-flirt sa ibang babae ay di normal sa isang relationship. Katulad ng di mo pagka-gets kung bakit ako nagyoyosi.

Suwerte nga nya diba, friends lang sila, tapos ganon ka-sweet. Di nga lang alam ni girlfriend nya.

Ows talaga? Eh kung magkaroon din ako ng friend na ganon, at sweet kami, at di mo alam, masusuwertehan ka pa rin ba?

Hinde, wag na tayo magka-baby uli. Si Darice na lang, tas paglaki nya, mag-enjoy na lang tayo.

Marami nakong binitawang pangarap, pati ba naman yan? Na makasama ka habang buntis ako? Na maalagaan mo ako araw-araw habang naglilihi ako? Na maalalayan mo ako habang lumalaki na tiyan ko? Na matulog sa tabi mo habang hinihimas-himas mo tyan ko, at maramdaman mong sumisipa ang baby natin? Ayaw mo ba non?

---

Di ko na yan masabi sa kanya. Di ko kasi naisagot sa kanya at the time na sinabi nya. Nashock ata masyado yung utak ko nung marealize ko na naisip at nasabi nya yang mga yan.

Hindi ko na ata kilala 'tong taong 'to.

No comments

Post a Comment