Mga Pagbabago

Una, ako ay naenganyo nung Linggo at nakagawa na naman ng panibagong uluhan (header? :P) ng aking tala-arawan.

Pangalawa, ako ay tuluyan ng sumali sa Twitter. Kung ako man ay walang panahon upang makapagsulat dito sa aking tala-arawan, maari nyong sundan ang aking pang-araw-araw na reklamo sa aking Twitter.

Pangatlo, nagawan na ng paraan upang magamit uli ang Meebo sa opisina. Kaya aking ibinabalik ang Meebo badge. Kung mapadaan man kayo sa aking tala-arawan at makita nyo na ako ay nasa linya (online ba, sa Ingles :P), baka gusto niyo akong kamustahin? :)

Pang-apat, ngunit 'di na ito bago -- ako ay tambak sa trabaho. Saka ko na ikukuwento ang pagdiriwang ng kaarawan ng aking unica hija nung Sabado at ang aking pagkapanalo sa badminton kahapon. Meron pang ikatlo at ikapat (malamang eh meron pa ngang ika-lima) na yugto ang kuwento tungkol sa aming pakikipagsapalaran sa Boracay. At nasabi ko ba na pupunta ang aming mag-anak sa Bohol, salamat sa promo (na naman) ng Cebu Pacific? At makukumpleto ang Pepe Lopez Girls sa Cebu sa Hunyo?

Panglima, pagod na akong mag-straight Tagalog!

Baboosh!

No comments

Post a Comment